Lolo binoga ng kapitbahay
Pabs Hernandez III
May 15, 2019
1 min read
ZAMBOANGA DEL SUR—Isang lolo ang sugatan nang barilin ng kanyang kapitbahay, kamakalawa sa Bgy. Bayabas, Aurora sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Marcelo Amaro, samantalang, ang suspek ay si Julibe Ruilles, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Amaro at Ruilles na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaril sa biktima.





Comments