Kahit 8 yrs. na sa show… ANGELINE, NATSUGI SA ASAP DAHIL DAW KAY REGINE
- BULGAR

- May 15, 2019
- 2 min read

SA halos dalawang buwan na pagkawala ni Angeline Quinto sa A.S.A.P. Natin ‘To, muling nabuksan ang isyu na sa pagpasok ni Regine Velasquez sa show ay marami talaga ang nasagasaan at kung ‘di man nawalan ay nabawasan ang trabaho.
Bilang isang solid Regine Velasquez fan, agad naman ding dinepensahan ni Angeline ang idolo at sinabing kapag may mga nababasa siya na ganitong komento ay nalulungkot siya dahil alam naman ng lahat na sobrang mahal niya si Regine.
Para sa Star Power grand champion ay ‘di dapat sisihin ang Asia’s Songbird sa mga pagbabago sa ASAP dahil gusto lang ng team ng show na sumubok din ng bago na ihahain sa mga manonood nito.
Pero sa kabila nito ay inamin din ni Angeline na sa pansamantala niyang pagkawala sa A.S.A.P. Natin ‘To ay napaisip siya lalo’t mula nang manalo siya sa Star Power walong taon na ang nakararaan ay regular siya sa A.S.A.P..
Alam ni Angeline na may rason ang management at ‘di na lang ito sinabi sa kanya nang personal. Idinaan na lang ni Angeline sa dasal ang lahat kaya ang laki ng pasasalamat niya na two consecutive Sundays na siyang napapanood sa A.S.A.P. NATIN ‘TO.
Ngayon ay abala si Angeline sa preparasyon para sa nalalapit nilang concert ni K Brosas titled Angeline K ‘To, Concert Namin Ito na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.
Excited at kinakabahan si Angeline dahil ‘di biru-biro ang Araneta. Ang pangako na lang ng singer, bukod sa mga solo at duet songs nila ni K ay magiging gabi ito ng katatawanan na malaking tulong sa mga taong nalulungkot at may mabigat na pinagdaraanan sa buhay.
Sa tanong kung sa palagay ba niya ay puwedeng mauwi sa kasalan ang lahat, isang “sana” lang ang naisagot ni Anton.
Nagpapasalamat din si Anton kina Vice at Regine dahil libre nila itong nakuha para mag-guest sa Shine concert niya na gaganapin sa June 15 sa Cuneta Astrodome mula sa production ng TOES (Teri Onor Entertainment and Services) ni Teri Onor.
Ikinatutuwa naman ni Anton na marami sa malalaking artista ang handang sumuporta at tumulong kapag may mga tulad niya na gustong subukan na ring magkaroon ng sariling concert sa malakihang venue tulad nga ng Cuneta Astrodome.





Comments