HOROSCOPE | Mayo 15, 2019 (Miyerkules)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 15, 2019 (Miyerkules): Malakas ang dating ng iyong personalidad. Mahahawa ng magagandang kapalaran ang mga taong madidikit sa iyo, gayundin, susuwertehin ang mga minamalas.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang makisali sa gulo. Alalahanin mong ang magulong buhay ay parang nahulog sa madilim na kapalaran. Mas maganda kung ikaw ay masayang nag-iisa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-28-30-35-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka kaagad kapag lumalapit sa iyo ang taong may pangit na kapalaran, pero huwag mong ipahahalata ang iyong gagawing pag-iwas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-13-15-23-38-43.
GEMINI (May 21- June 20) - Gawin mong mag-isa ang gusto mong gawin. Ang babala ay nagsasabing, kapag nagpatulong ka hindi ka lang maiinis kundi mabibigo ka pa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-22-25-29-30-33-36.
CANCER (June 21- July 22) - Kung saan may pagbabago, ‘yun ang piliin mo. Kung saan may magandang hinaharap, doon ka lumagay. Ito ang tunay na susi sa buhay na may pangako ng kasaganahan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-19-24-33-39-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-ingat ka! Nagbababala ang iyong kapalaran na maaari kang gamitin ng taong may hindi magandang motibo. Huwag mong kalimutan, hindi ka isinilang para magamit ninuman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-15-16-24-41-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talasan mo ang iyong isip at pakiramdam. Baka masingitan ka ng mga taong ang gusto lang ay ang mabigo ka at mapailalim sa kanilang kapangyarihan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-12-29-30-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nasa masasayang kaibigan ang iyong mga suwerte. Ang iyong mga kamalasan ay nasa mga taong palaangal, reklamador at sobrang negatibo ang pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-29-31-38-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kaya mong mabuhay mag-isa, pero hindi ka magiging masaya. Bakit hindi ka makipagsapalaran sa mundong kahit magulo ay may naitatagong tunay na ligaya? Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-24-33-41-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malakas ka, pero mas lalakas ka pa. Masuwerte ka, pero mas susuwertehin ka pa kapag ang mga nasa ibaba at kapus-palad ay iyong pinakitaan ng pagmamahal. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-25-26-35-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maulap ang kalangitan sa araw na ito. Ang masuwerteng balita para sa iyo ay maaliwalas at walang hadlang sa landas ng buhay na iyong tinatahak dahil ito ay pagagandahin ng langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-15-25-30-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Humirit ka ng magandang kapalaran sa langit. Dati mo ng nararanasan ang sinuwerte ka na, binigyan ka pa ng dagdag na mga suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-26-29-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nabibilang ang mga daliri sa mga kamay, pero ang iyong magagandang kapalaran na nagdaratingan ay halos walang bilang na parang mga langgam na hindi maubus-ubos. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-22-25-30-37.




Comments