Tatay na gustong patayin ang nanay
- BULGAR

- May 14, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Shen ng Shen_ Marquez@facebook. com
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na ‘yung nanay ko ay itinatakbo ko habang dala namin ang dextrose niya dahil lasing ang tatay ko at parang gusto siyang patayin nito?
Sa totoong buhay ay bed ridden na ang nanay ko dahil inoperahan siya sa utak at ang tatay ko mula noon ay lasenggo na.
Naghihintay,
Shen
Sa iyo Shen,
Napakahirap ng kalagayan ng nanay mo na bed ridden, pero mahirap din ang kalagayan ng anak na nag-aalaga sa kanya.
Bilang asawa, hindi niya nagagampanan ang isa sa mga bow of marriage na ang mag-asawa ay magsasama sa hirap at ginhawa.
Ang nanay mo na asawa niya ay nahihirapan, samantalang, siya ay nasasarapan sa pag-inom ng alak.
Pero, dahil ang nanay mo ay bed ridden na, maaaring hindi na niya namamalayan ang nangyayari sa inyong pamilya kaya ikaw na anak ang hirap na hirap ang kalooban. Ito mismo ang masasalamin sa iyong panaginip.
Wala kang magagawa dahil hindi mo puwedeng pagalitan ang tatay mo, pero, sa totoo lang, puwede, lalo na kung napuno na ng sama ng loob ang dibdib mo.
‘Yun nga lang, wala ring saysay kung sasabihin mo ang iyong sama ng loob.
Minsan, mahirap maunawaan ang buhay sa mundo dahil kung sino pa ang mabuti, siya pa ang nagdurusa, samantalang, ang hindi mabuti ay patuloy na nabubuhay sa masaya.
Masayang maging lasenggo, kaya ang mga manginginom ay makikitang nalalasing sa kaligayahan.
Pero, sa biglang tingin lang ito dahil ang lihim na katotohanan, ang mga taong madalas na umiinom ng alak ay malungkot ang buhay.
Ang totoo, sila ay nakakaawa dahil sila ay nagtataglay ng mahinang personalidad.
Kaya totoong nakakaawa ang nanay mo ayon sa iyong panaginip, tapos ang iyong tatay ay hindi mo kinakaawaan dahil siya ay iyong kinaiinisan. Pero, kung matatanggap mo na nakakaawa rin ang tatay mo, mababawasan ang inis mo.
Sa ngayon, maaaring hindi mo pa maunawaan ang katotohanang ito sa buhay ng iyong pamilya, kaya ang payo para sa iyo, keep on praying to the Lord, as in, huwag kang susuko na manalangin na sana ay gumaling na ang nanay mo at huminto na sa bisyo ang tatay mo.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments