PINOY WRESTLERS, PALABAN SA PHL 30TH SEA GAMES
- Clyde Mariano
- May 14, 2019
- 1 min read

ISA sa combat sports na inaasahang magbibigay ng medalya maliban sa boxing, taekwondo at judo sa Southeast Asian Games ay ang wrestling at kumpiyansa si Wrestling Association of the Philippines Alvin Aguilar sa kakayanan ng kanyang mga palaban at battle-tested wrestlers sa 30th edition 11-nation biennial meet.
Sinabi ni Aguilar na regular na nage-ensayo ang kanyang mga bata upang makondisyon sila sa oras ng laban kung saan muling mapapalaban sa wrestlers ng 10 mga bansa.
Hasang-hasa ang kanyang mga bata at malawak ang karanasan sa pakikipaglaban sa labas kontra sa mga bigating foreign rivals.
Ang wrestling ay isa sa siyam na sports kasama ang athletics, fencing, cycling, gymnastics, lawn tennis, shooting, swimming at weightlifting na nilaro sa unang Olympic Games na ginawa sa Athens, Greece.
Nang tanungin ang mahigpit na kalaban ng mga Pinoy, binanggit ni Aguilar ang Vietnam.
Ang mga best bet for the gold aniya ay sina Alvin Lobreguito, Jason Baucas, Henry Foy-O, Noel Norada, Ronil Tubog, Jason Balabal, Johnny Morte, Margarito An-gana, Jefferson Manatad, Maybeline Masuda, Vince Ortiz at Maria Aisa Ratcliff.
Twenty six wrestlers ang kakatawan sa ‘Pinas kasama sina Noemi Tener, Francis Villanueva, Grace Loberanes, Minalyn Foy-Os, Michael Vijay Cater, Allen Mitch Arcilla, Joseph Angana, Jiah Pingot, Joffer Callado, Rogelyn Parado, Anthony Arcilla, Kai Guingona, Shelly Avelino at Justin Ceriola.
Ang wrestling ang kasama sa mahigit 10 combat sports kasama sa 56 sports na lalaruin sa SEAG sa Nob. 30 –Dis. 11 tampok ang mahigit 10,000 atleta.





Comments