Parak dedbol sa riding-in-tandem
- Pabs Hernandez III
- May 14, 2019
- 1 min read
LANAO DEL NORTE—Isang pulis ang napatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Sapad, Kapatagan sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si P/Cpl. Richard Gordiones, nakatalaga sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, nagpapatrulya si Gordiones nang barilin ito ng dalawang hindi kilalang salarin na nakasakay sa motorsiklo.
Inaalam na ngayon ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments