Para itigil ang missile testing | NORTH KOREA, HINIMOK NG 70 BANSA
NAGKASUNDO ang 70 bansa na himukin ang North Korea na itigil ang kanilang nuclear at ballistics weapons program.
Batay sa ulat, kabilang sa mga lumagda sa kasunduan na ginawa sa France ang United Sates, South Korea at ilang bansa sa Asya, Latin America, Africa at Europe.
Ayon sa mga bansang lumagda, ang ginagawang hakbang ng North Korea ay banta sa kapayapaan ng mundo.
Samantala, hindi pumirma sa kasunduan ang Russia at China na kaalyado ng North Korea.
Dalawang missile tests ang isinasagawa ng North Korea sa kanilang weapons testing program.
Nakasaad din sa hiling ng mga bansa na ipagpatuloy ng North Korea ang usapin ng denuclearization sa Estados Unidos.
Matatandaang, noong nakaraang taon, nagdeklara ang pinuno ng Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) na si Kim Jong-un na ititigil nito ang mga missile launch.





Comments