top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa birthday... BEBOT NA NAKATAKDANG SUWERTEHIN KUNG AAYUSIN ANG KANYANG LAGDA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

May napansin ako sa aking buhay kung saan parang malas ako, lalo na sa pag-ibig at trabaho.

Wala akong trabaho ngayon at wala rin akong boyfriend. Kaya ang hiling ko, sana ay suwertehin na ako.

Ano ba ang malas sa buhay ko, ‘yung pangalan kong Wella o ‘yung birth date kong 13? March 13, 1991 ang birthday ko.

Umaasa.

Wella ng Gapan, Nueva Ecija

Dear Wella,

Hindi ka malas sa pa­ngalan mong Wella, ang ganda-ganda nga ng panga­lan mong ‘yan kung saan ang “Wella” ay galing sa salitang “Well” na nangangahulugang “mahusay, mabuti at ma­galing”.

Ang salitang “Wella” ay hango rin sa German hair care company na Wella AG kung saan ang kumpanyang ito ay may pangunahing produktong nagpapaganda ng buhok at sa kasalukuyan, ito ay pag-aari na ng Procter & Gamble Company.

Kaya, kung pananatilihin mo ang paggamit ng panga­lang Wella, tiyak na patuloy kang gaganda, sisikat, susu­wertehin at pagpapalain.

Kaya tulad ng nasabi na, hindi malas ang iyong pa­ngalan, sa halip, baka ang malas ay ang iyong lagda?

Dagdag pa rito, hindi rin malas ang birth date mong 13 o 4 (1+3=4), sa zodiac sign na Pisces sa destiny number na 9 (3+13+1991=2007/ 20+07=27/ 2+7=9), sa halip, nasa tamang pamamaraan lang ng paggamit ng mga numerong iyong tinataglay upang ang suwerteng dulot ng mga numero at zodiac sign ay iyong mapakinaba­ngan.

Halimbawa, dahil 4 ang birth date mo sa zodiac sign na Pisces, kailangang palagi kang magsuot o gumamit ng mga kulay dilaw at berde.

Sa partikular na mga petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31, lalo na tuwing Linggo kung saan dilaw ang isuot at palagi mong gami­ting kulay.

Kapag ang mga petsa ay 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25, lalo na tuwing Lunes, berde ang isuot at palagi mong gamiting kulay.

Samantala, ang simpleng paraan upang mawala ang ka­malasan ay dahil 9 ang destiny number mo, kaila­ngang magsuot ka ng damit na kulay pula o pink tuwing sasapit ang mga petsang 3,1 2, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, lalo na kung ang mga petsang nabanggit ay natapat sa mga araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.

Tandaang, marami pang paraan upang mawala ang iyong kamalasan.

Halimbawa, dahil Pisces ang zodiac sign mo, dapat ang pipiliin mong mga best­friend ay silang mga ka-com­patible mo tulad ng Cancer, Scorpio, Virgo, Capricorn, Taurus at Pisces na tulad mo.

Kasabay nito, dapat mong iwasan ang mga taong under sa zodiac sign na Aquarius dahil maaari nilang dagda­gan ang kamalasan na mapasa­saiyo.

Hinggil sa iyong lagda na maaaring ito ang nagbibigay sa iyo ng kamalasan, mas mainam kung simpleng “w” na lang na hindi nababoy o naburara ang gawin mong simula ng iyong lagda at ta­pusin mo ito sa tuwid na guhit.

Sa ganyang “w”, simple, pero malinaw, nababasa at natapos ang iyong lagda sa straight line, makikita mo, hindi lang sa pag-ibig at ca­reer kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay, uunlad, su­suwertehin at magiging ma­ligaya ka na ayon sa Deca­dens ng Kapalaran ay magsi­simulang mangyari sa su­sunod na taong 2020, sa edad mong 29 pataas.

Sa panahong tinuran, mag­kakaroon ka na ng stable na career, magkaka-boy­friend at habambuhay ng magiging maligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page