Kung dati, artista lang… HEART, BIGLANG LEVEL-UP NANG MAGING MISIS NG SENADOR
- BULGAR

- May 14, 2019
- 1 min read

MARAMING kababaihan ang nainggit kay Heart Evangelista nang mapangasawa niya si Sen. Chiz Escudero. Matalino at may malawak na kaalaman sa pulitika ang senador. Tiyak, malaki ang magiging impluwensiya nito kay Heart.
Pareho rin silang mahilig magbasa ng libro. Pagdating sa pagma-manage ng finances, si Sen. Chiz na ang gumabay kay Heart noon upang maayos niyang mahawakan ang kanyang kinikita sa showbiz.
Nag-level-up din ang status ni Heart nang maging maybahay ng senador. Bukod sa yayamanin ang sirkulo niya, nakilala niya ang malalaking tao sa pulitika at sa mundo ng pagnenegosyo.
At kahit natapos na ang termino ni Chiz Escudero bilang senador, muli naman itong tumakbo sa pagka-gobernador ng Sorsogon. At kung pinalad si Chiz sa botohan kahapon, magiging First Lady ng Sorsogon si Heart.
Nag-effort naman si Heart na tulungan ang candidacy ng kanyang mister. May sariling career si Heart at hindi ito totally dependent kay Chiz. Bukod sa showbiz, kumikita siya nang malaki sa kanyang mga paintings at ganu’n din sa mga product endorsements.
Isa pa ring certified Kapuso si Heart at mananatili siya sa GMA Network.





Comments