top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya sa mga beshy natin diyan na hirap mag-deposit... PLANKING, NAKABU-BOOST NG METABOLISM!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14, 2019
  • 1 min read

PLANKING, dati trip-trip lang hanggang sa naging workout, pero bukod sa nakagaganda ito ng tiyan dahil nakaka-form ito ng abs ay nakabu-boost din umano ito ng metabolism na problema ng karamihan. Wow!

Sa pamamagitan ng pagpa-planking ay maraming calories ang nabe-burn kung saan nakae-strengthen umano ito ng massive muscle group sa katawan.

Gayunman, pinakaepektibo ang pagpa-plank sa mga taong nagtatrabaho sa office dahil napakasimple nitong workout na kahit saan ay puwedeng gawin.

Dagdag pa rito, dahil nabe-burn ang inyong fat, puwedeng sumagi sa isip ninyo ang magkaroon na ng healthy diet na maka­pagpapaganda sa inyong kalusugan at pangangatawan.

Sa madaling salita, ang planking ay mabisang maka-improve ng metabolism, nakabi-build ng core o ‘yung pinakamalaking parte ng katawan at ang pagkakaroon ng healthy at strong muscles ay nakatutulong upang maiwasan ang pag-imbak ng calories in the form of fat.

Samantala, ang planking ay nakai-improve rin ng mood at flexibility, kaya kung bet ninyong baguhin ang pangit ninyong ugali, try this workout, mga beshy!

Sa mga madalas namang sumakit ang likod at hindi na kinakaya ng inyong mga gamot o pamahid, make sure na susubukan ninyo ang planking dahil bukod sa nakagaganda ito ng posture, maaari rin ninyong malaman kung may sakit na kayo sa inyong spinal cord tulad ng scoliosis.

Oh, ayan, isama na ninyo sa workout routine ang planking para sa mas better at healthy living!

Dehins na kayo ma­mumroblema sa pagde-deposit dahil tiyak na gaganda na ang inyong metabolism na maka­tutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng constipation.

Okidoki?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page