top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Iniwang basura ng kampanya, hindi nakakatuwa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14, 2019
  • 1 min read

HINDI pa man opisyal na tapos na ang halalan, nagsimula na ang pamahalaan na magbaklas ng campaign posters.

Umabot sa humigit-kumulang 580,000 illegal campaign posters ang nakolekta ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mula nang nagtapos ang campaign period.

Ayon sa NCRPO, 70 porsiyento ng campaign materials ay mula sa Kyusi.

Tiniyak naman ng ahensiya na naidokumento nang maayos ang posters at ipinagbigay-alam ito sa Commission on Elections (Comelec) para sa kaukulang aksiyon.

Ang paglalagay ng campaign posters sa labas ng designated areas na itinakda ng Comelec ay paglabag sa Election Law.

Wala umanong kandidatong lumabag ang nakipag-ugnayan sa pulisya.

Hindi pa man nauupo sa puwesto, mga pasaway na!

Dahil dito, ipinauubaya na ng NCRPO sa Comelec ang paggawa ng aksiyon laban sa mga pasaway na kandidato.

Samantala, nakatakdang i-turnover sa waste management department ng bawat lungsod ang tone-toneladang cam­paign posters para sa posibilidad ng pag-recycle sa mga ito.

Sa rami ng dapat linisin sa bawat lungsod, tama lamang na simulan na ito ng pamahalaan kahit hindi pa opisyal na tapos na ang halalan.

Huwag nating hayaang maupo ang mga pasaway na kandidato para maturuan sila ng leksiyon!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page