Driver todas sa drug-bust
Pabs Hernandez III
May 14, 2019
1 min read
QUEZON—Isang driver na drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Ibabang Iyam, Lucena City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Isidro Katigbak, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation si Katigbak, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang mga tauhan ng pulisya.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments