top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

DJANGO, WALANG KUPAS SA TEXAS ONE POCKET

Eddie M. Paez,
May 14, 2019
1 min read

PINATUNAYAN ni Francisco “Django” Busta­mante ng Pilipinas na wala pang kupas ang kanyang tikas sa pagtumbok sa kabila ng paglapit niya sa bansag na “senior citizen” matapos nitong walisin ang oposis­yon sa larangan ng One Poc­ket sa Big Tyme Billiards Classic 2019 na ginanap sa Houston, Texas.

Matapos makakuha ng opening round bye, kuma­ripas si Bustamante patungo sa walang mantsang kar­tada sa torneo.

Tinuruan niya ng lek­siyon sina Ernesto Ba­yaua, Canadian ace John Morra, kapwa Pinoy na si Roberto “Superman” Go­mez at Shane “Doomsday” Mc­Minn sa hotseat match.

Sa dakong huli, nang mag­harap uli sa cham­pion­ship showdown, dinaig ng Pinoy si McMinn, 5-2, para sa korona na nagkakahalaga ng $2,800.

Kasama naman sa mga nahugutan ng panalo ni Gomez sina Tony Cho­han, Richie Richieson at Alex Calderon.

Si McMinn na puma­nga­lawa, ay nagbulsa ng $1,600 samantala, napunta ang pangatlong posisyon at ang gantimpalang salapi na $1,000 kay Calderon.

Pumasok din sa winners’ circle sina Gomez ($600) nang mahablot nito ang pang-apat na baytang sa­man­talang nagsosyo sina Jeremy Jones ($400) at si Morra ($400) sa panglima at pang-anim na puwesto ayon sa pagkakasunod-su­nod.

Matatandaang ang 55-taong-gulang na alamat mula sa Tarlac ang naging back-to-back Derby City Classic One Pocket kingpin sa palaruan ng Elizabeth, Indiana kung saan nagbulsa siya ng papremyong $12,000.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page