top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

CRAY, MAY PAKAY SA HANGARING MANALO SA 30TH BIENNIAL GAMES

Clyde Mariano
May 14, 2019
1 min read

APAT ang mahahalagang bagay kung bakit gustong manalo ni Filipino-American Brazil Olympian at London World Athletics at dating Asian Athletic middle distance champion Eric Shawn Cray sa 30th Southeast Asian Games.

Ito ay gusto niyang bigyang muli ng karangalan ang ‘Pinas, muling kunin ang korona bilang “sprint king”, gantihan si Malaysia’s Khairul Hafiz Jantan at bilang birthday gift sa kanyang ika-30 kaarawan sa Nobyembre 6. “These are the four important reasons why I really wanted to win my favorite event. I religiously trained hard at the oval to keep me in top form in time for the meet,” sabi ni Cray. Tinalo ni Juntan si Cray sa century dash na dumating ang Malaysian na una ng 10.08 segundo sa Pinoy na naorasan ng 10.43 segundo.

Determinado at dead serious si Cray na gantihan at ipahiya ang Malaysian sa kanilang “grudge duel” sa century dash at bigyang kasiyahan ang kanyang mga kababayan na umaasa at nananalangin sa kanyang tagumpay sa pinakatampok na event sa athletics at kunin muli ang koronang “SEA Sprint King” na kanyang napanalunan sa 2015 edition sa Singapore na nanalo rin sa 200m at isulat ang pangalan bilang unang Pinoy na nanalo sa 100m at 200m at duplikahin ang ginawa ni track legend Lydia De Vega-Mercado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page