Sakay ang mga inilikas sa Libya BANGKA LUMUBOG, 65 PATAY
- Jersey Sanchez
- May 13, 2019
- 1 min read
PATAY ang 65 katao matapos malunod nang lumubog ang bangka sa Mediterranean Sea sa bahagi ng Tunisia.
Ayon sa pahayag ng United Nations Refugee Agency, sakay ng bangka ang refugees at migrants mula sa Zuwara, Libya.
Nabatid na 16 katao ang nailigtas gamit ang fishing boats.
Matatandaang, malala ang tensiyon sa Libya, partikular sa Tripoli dahilan para ilikas ang mga residente.
Ayon sa ahensiya, ito ang pinakamalalang insidente ng paglubog ng bangka sa Mediterranean mula noong Enero.
Libu-libong migrants ang tumatawid sa Mediterranean patungong Europe kada taon at ilang beses nang nagkaron ng insidente ng paglubog ng bangka dahil sa overloading.
Patuloy pa rin ang search and rescue operations ng Navy sa katubigan ng Mediterranean.





Comments