Nadine, 25-anyos na, nakatali pa sa Viva… ABS-CBN, FRESH AT BATA PA ANG HANAP NA DARNA
- BULGAR

- May 13, 2019
- 1 min read

TINAWAGAN namin si Rita na isa sa mga anak ni Uncle Mars Ravelo na may likha ng sikat na Filipino superheroine na si Darna para tanungin kung tuloy ba ang paggawa ng Darna movie sa Star Cinema.
“Tuloy po ‘yun. May kontrata na po kami ng Star Cinema. Hindi pa lang nadedesisyunan kung sino ang gagawing Darna,” sey ni Rita.
Napagkasunduan nila ng Star na dapat ay nasa early 20’s si Darna. Eh, paano ito, halos lahat ng aktres sa Dos na qualified sana sa role ay below 20?
‘Di na puwede si Angel Locsin dahil nagkaroon ng spinal disorder. ‘Di rin maaaring si Liza Soberano dahil may bali siya sa daliri. Si Nadine Lustre naman, bukod sa 25-anyos na ay Viva contract star pa, so paano makakagawa ng movie sa Star Cinema?
Every time may prospective Darna ay nagmi-meeting ang mga Ravelo at si Ms. Malou Santos. Nasa kontrata nila na may karapatang magdesisyon sa casting ang mga heirs ni Uncle Mars.
Sana’y matuloy na ang paggawa ng film to commemorate Darna’s 59th birthday.
Just in case you don’t know, ilan sa mga nag-Darna sina Rosa del Rosario, Liza Moreno, Eva Montes, Vilma Santos, Alma Moreno, Rio Locsin, Anjanette Abayari, Tetchie Agbayani at Tito Dolphy.





Comments