Bukod sa pagiging refreshing nito, mga besh! 5 BENEFITS NG GRAPE JUICE NA PERFECT SA WEATHER
Bulgarific Lifestyle

ANG dyowa natin ay parang weather, ngayon, tirik na tirik ang araw tapos maya-maya biglang bubuhos ang malakas na ulan at pagkatapos ng ulan bigla na namang iinit! Naku, mga bes, hindi na ma-predict ang weather ngayon, sakit ang aabutin natin sa init at lamig na nararanasan natin. Kaya tayo, todo-hanap ng mga healthy food na refreshing na, good pa sa ating body!
Isa ang grape juice sa mga paborito nating inumin, lalo na ngayong tag-init. Bukod sa nakare-refresh ito ng katawan ay mayroon din pala tayong makukuhang health benefits dito.
Anu-ano nga ba ang mga ito?
1. VITAMIN AND MINERAL DEFICIENCIES. Marami tayong makukuhang vitamins and minerals sa pag-inom ng grape juice, lalo na kung home-made ang ating iinumin. Kung tayo ay bumili sa grocery, siguraduhin natin na present ang Vitamins B6, C at K, thiamine, riboflavin, iron, manganese at potassium. Paalala lang, mga bes na ang grape juice ay hindi nakapagpapagaling ng anumang sakit, ito ay pandagdag lamang sa mga vitamin at mineral na kailangan ng ating katawan.
2 BLOOD VESSEL HEALTH. Ang resveratrol na mayroon ang grape juice ang nagsisilbing antioxidant na nagpapaganda sa formation at function ng blood vessel. Ayon sa research, ang grape juice ay nakapagpapababa rin ng panganib sa pagkakaroon ng heart attack o iba pang cardiovascular disease dahil pinoprotektahan nito ang vessel.
3. BLOOD PRESSURE REDUCTION. Ang flavonoids sa grape juice ang nakapagpapababa ng blood pressure level. Nagbibigay din ito ng anti-inflammatory, plate-inhibitory at arterial relaxing effect. Mabisa ito ngayong summer lalo na at kahit papaano ay mainit pa rin ang panahon.
4. MAINTAINING CHOLESTEROL. Nakatutulong ang grape juice sa pagpapababa ng bad cholesterol sa ating katawan. Hindi lang ‘yan, dahil nakapagpapaganda rin ito ng daloy ng dugo.
5. BOOSTS IMMUNITY, DELAYS AGEING SIGNS. Knows ba ninyo na ang grape juice ay may antioxidants na nakatutulong para magmukhang bata at ma-delay ang signs of ageing? Yes, you read it right! Bukod pa rito, mayroon din itong anti-bacterial at anti-viral properties para hindi lang kayo young looking kundi super healthy pa!
Napakarami pang health benefits ang makukuha natin sa pag-inom ng grape juice. Mas mainam inumin ang home-made para makuha natin ang lahat ng nutrients na mayroon dito. Na-refresh ka na, naging healthy ka pa!





Comments