Alang-alang sa mga susunod na henerasyon, 'wag ibenta ang boto


SA kabila ng paalala ng Commission on Elections (Comelec), hindi pa rin nawawala ang insidente ng vote-buying at vote-selling.
Kamakailan lamang, naitala ang insidente ng vote-buying sa iba’t ibang parte ng bansa.
Dahil dito, muling nagpaalala ang ahensiya ng puwedeng gawin kapag nag-alok ng pera ang kandidato.
Mas mabuti umanong huwag tanggapin ang anumang bayad mula sa vote-buyer o nag-aalok ng pera kapalit ng boto.
Nakasalalay sa pagboto nang tama ang kinabukasan ng mga Pilipino.
Matatandaang, ipinagbabawal sa ilalim ng Omnibus Election Code of the Philippines ang vote-buying at vote-selling.
Sa ilalim ng batas, parurusahan ang sinumang institusyon at grupong mangangako ng pera o anumang alok sa botante para iboto ang kandidato.
Gayunman, hindi lamang pera ang sakop ng vote-buying kundi anumang bagay na may halaga.
Parurusahan din ang mga nagbenta ng boto ngunit, bibigyan ito ng “immunity” kung ito ay magsusumbong at magbibigay ng affidavit sa korte.
Bumoto nang tama at naaayon sa konsensiya!
Buksan ang ating mga mata upang makita kung sino ang karapat-dapat na iluklok dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.





Comments