5 miyembro ng MILF huli sa shabu
- Pabs Hernandez III
- May 13, 2019
- 1 min read
SULTAN KUDARAT—Limang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Kalawag 3, Isulan sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Noraida Sabang, Baldido Nasser, Zainodin Unitl, Namraida Sengkong at Anwar Macapendeng, pawang kasapi ng MILF na nakabase sa lalawigan.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments