top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 kelot tepok sa aksidente

Pabs Hernandez III
May 13, 2019
1 min read

CAGAYAN—Dalawang lalaki ang namatay nang aksidenteng bumangga sa steel marker ang sinasakyan nilang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. San Jose, Lallo sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga biktima na sina Junel Valencia at Joshua Villanueva, kapwa nakatira sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ng motorsiklo si Valencia habang kaangkas si Villanueva kaya bumangga sila sa steel marker.

Nabatid na dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page