top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Misis na si Mariel, buntis pa naman sa second baby... PICTURE NI ROBIN NA MAY KANDONG NA IBANG BABAE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 12, 2019
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

Photo : facebook

PINAGPIPIYESTAHAN na­man ngayon sa social media ng lit­rato ng actor na si Robin Padilla, kung saan makikitang may kinakan­dong siyang babae.

Bukod sa nakakandong na babae, may isang babae pa na naka-yapos ang kamay sa braso ni Binoe.

Napag-alaman na ang baba­eng nakakandong kay Robin ay may username na Princess Ong sa social media. Bukod sa groufie nila, nag-upload din ang babae ng litrato nilang dalawa ng aktor, na nilagyan niya ng caption na: “Hi bebe love nakooo”

Dahil dito, samu’t sari ang naging reaksiyon ng mga netizens.

May mga netizens ang nagsa­sabi na sana raw ay hindi hinayaan ni Robin na hawakan siya at kumandong ang babae sa kanya dahil may asawa’t anak siya. In short, sana raw ay alam ng aktor ang limitasyon niya kapag may mga babaeng nagkakandarapa sa kanya.

May mga nagtatanggol naman kay Robin at sinasabing Muslim ang aktor kaya puwede sa kanila ang ‘maraming asawa,’ basta kaya raw buhayin ang mga ito.

Hirit naman ng isang netizen, “Ano pa ang silbi ng pagmamahal mo sa asawa mo kung ganito lang naman? Wala sa religion ‘yan, nasa respeto ‘yan sa asawa.”

Marami rin ang hindi makapagpigil at panay ang tag sa misis ni Binoe na si Mariel Rodriguez.

May ilan din ang nagsasabi na sana raw ay hindi makaapekto sa pagbubuntis ni Mariel ang kumakalat na litrato dahil kaka-announce lang niya sa It’s Showtime na ipinagbubuntis niya ang pangalawang baby nila ng action star.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page