KALAMBOGIS VS. HEADMASTERSHIP

AALAGWA ngayon ang pakarera ng Philippine Racing Commission — Rating-Based Handicapping System Race (Philracom-RBHSR), 3 Year Old Group Race at Condition Race sa Santa Ana Racing Club, Naic, Cavite ngayong hapon.
Tampok ang siyam na pakarera ng Philracom-RBHS na pawang may nakalaang premyo na P90,000 at P70,000 (subject to tax) na hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finish line at karagdagang premyo sa mananalong kabayo para may-ari.
Sa Race 1, magaganap ang simula ng 1st Winner Take All (WTA) sa paghataw ng Philracom-RBHS at ipinapatok ang La Corona, habang binibigyan ng tsamba ang Humble Submission at isama sa mga parating ang Mabalor, Charlord, Benissimo at entry na Daldalero at Nabighani sa Quartet, Pentafecta at Super Six.
Pinapaboran ang Oktubre Katorse at Humidor habang makakalaban ang Inter State sa 3 YO Group Race (7) sa Race 2. Sa Race 3, magaganap ang Philracom-RBHS at simula ng 1St Pick 6 pinapaboran ang Money In My Pocket laban sa mga katunggaling Love Affair, Tontoneeto, Golden Velvet at Double Sunrise.
Magsisimula ang 1St pick 5 sa Race 4 at pinapaboran ang entry no.3 at Entry No.2 at may panalo ang Prima Donna at magsisimula ang 2nd WTA at pinapaboran ang Warrior Heart kontra kay Smart Tyler at Hello Gorgeous sa Race 5 sa Condition Race.
Nakalalamang ang Constantinople sa High Quality, Summer Style at couple entry na Tequila Princess at Quiet Whisperer. Nakalalamang ang Fight For Love kontra sa mga kalahok na Stark, Expensive, Band of Halo, Sir Jeboy at Tejeros sa Race 7 habang nakalalamang ang Lollipop at Spring Singer sa Race 8 sa simula ng Pick 4.
Bakbakan ang magaganap sa Race 9 at pinapaboran ang Glowing ORM, San Diego Jet at couple entry na Feathers at Flashy. Ipinapatok ang Kalambogis habang ang Headmastership ang posibleng tumalo sa Race 10.
Nakalalamang ang couple entry na Wid Due Respect at Villa Ni Biboy kontra sa mga kalaban na couple entry na Cavite Royale-Green Light, Mika’s Jewel. Tip ni Mang Ding Race 1- La Corona (13) Humble Submission (6) Race 2- Oktubre Katorse (2) Humidor (1) Entry No.4 Race 3- Money In My Pocket (3) Lover Affair (6) Tontoneeto (7) Race 4- Couple Entry 3 Couple Entry No.2 Hellow Boss (6) Race 5- Warrior Heart (12) Smart Tyler (4) Race 6 –Constantinople (9) High Quality (1) Entry No.2 Race 7 Entry No.5 Stark (11) Sir Jeboy (7) Race 8- Lollipop (6) Spring Singer (9) Race 9- San Diego Jet (2) Entry No.3 Glowing Orb (1) Race 10-Kalambogis (4) Headmastership (9) Race 11- Entry No.3 Mika’s Jewel (6) Entry No.5





Comments