top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

‘SPIDERMAN’ SA PBA GAME 5, KAKASUHAN, TUBID, NAG-SORRY

Alvin Olivar
May 12, 2019
1 min read

PLANONG kasuhan ng PBA ang isang lalakeng nagsuot ng Spiderman costume at tumakbo sa court noong Biyernes ng gabi sa Game 5 ng Philippine Cup finals sa Smart-Araneta Coliseum.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, kakasuhan nila ang naturang lalake ng alarm and scandal at unjust vexation matapos manggulo sa laro ng Magnolia at San Miguel.

Tumakbo sa court ang lalake na nakasuot ng Spiderman costume at nabangga nito si June Mar Fajardo na tinamaan sa kanyang mukha. Dinampot siya ng mga bouncer at pulis at dinala sa Quezon City Police District Station 7. “Nasa presinto na ‘yung tao. Pinapatanong ko sa legal namin kung anong klaseng kaso. Kakasuhan namin ‘yung tao,” wika ni Marcial.

Hihingi rin si Marcial ng tulong sa National Capital Region Police Office sa pangunguna ng kanilang chief na si Guillermo Eleazar at management ng Smart-Araneta Coliseum na dag­dagan ang seguridad sa laro.

“Kakausapin ko ‘yung Araneta, dagdagan ang security. Tatawagan ko rin si NCRPO general Eleazar kung puwedeng dagdagan ng pulis. Ngayon lang ‘to nangyari,” wika ni Marcial.

Kahit naganap ang nasabing pangyayari ay masasabing isolated case ang nasabing insidente, ayon kay Marcial “Dati naman, okay naman ‘di ba? Nangyayari lang talaga ito kahit sa football at tennis. First time ‘to. Nanggaling daw siya sa lower box. Buti walang nasaktan sa mga player natin at okay siya at hindi rin siya nasaktan. Pero siguradong kakasuhan natin,” saad ni Marcial.

Samantala, humingi ng tawad si Ronald Tubid sa lalakeng nagsuot ng Spider­man costume. Matatanda­ang sinuntok ni Tubid ang lalake matapos dinampot ng bouncers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page