Maynilad, nag-donate ng portable water sa residente ng Porac, Pampanga
- Thea Janica Teh
- May 11, 2019
- 1 min read
Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Dahil sa Magnitude 6.1 earthquake na tumama sa Pampanga, kamakailan ay may ilang barangay na nawalan ng tubig. Kaya naman agad itong inaksiyunan ng Maynilad.
Agad na pinuntahan ng Maynilad ang mga residente ng barangay Diaz at Camias sa Porac, Pampanga at Barangay Baruya at San Rafael sa Lubao dala ang 10-cubic meter water tanker. Ito ay tatlong araw na pag-deliver ng tubig sa halos 1,700 residente na apektado ng lindol. Ito ay maaari nilang inumin dahil safe ito at maaari ring gamitin sa bahay na panlinis at panligo.
Bukod pa rito, namigay din ang Maynilad ng 3,000 piraso ng bottled water sa mga rescue worker na nagsasagawa ng search and retrieval operations sa Porac, Pampanga.
Sa pakikipagtulungan ng Maynilad kasama ang Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) at Alagang Kapatid Foundation ay mabilis na naaksiyunan at nabigyan ng tubig ang mga apektadong residente.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments