top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MANILA CHALLENGE 6-COCK ALL-STAR DERBY

Writer: BULGAR
BULGAR
May 11, 2019
2 min read

MAKARAAN na ma­kumpleto ang lahat ng Regional 5-Bullstag/Cock Derbies sa buong bansa, na­ka­handa na ang pinaka­hihintay na pagtatanghal ng 2019 Thunderbird 6-Cock All Star Derby sa Smart Araneta Coliseum sa Mayo 22, kinikilala bilang pinaka-prestihiyoso at pinaka­mahigpit na one-day event sa Philippine cockfighting sa taong ito.

Thunderbird – the win­ning formula, ang pangu­nahing gamefowl feeds at vetmed company sa Asya ay patuloy na nagtatanghal ng taunang Thunderbird Challenge simula pa noong 2010 nang ganapin ang unang Challenge sa Isla ng Boracay.

“Ang layunin ay mai-promote ang sabong at local na turismo”, pahayag ni AVP-Marketing Francis M. Martinez, sabay ng pag­bang­git ng mga nakaraang Thunderbird Challenge Derbies sa Boracay (2010), Palawan (2011), Dapitan (2012), Bohol (2013), Ilocos (2014), Davao (2015), Iloilo (2016) at Manila in 2018.

Handa na rin para bita­wan ang kanilang mga sig­nature bloodlines ng mga tinali nina 2019 World Pitmaster Cup 9-Cock International Derby champion Engr. Sonny Lagon, multi-awar­ded Dicky Lim ng Palawan, Nestor Vendivil ng Nueva Ecija, 4-time World Slasher winner Tata Rey Briones ng Masbate, Eddiebong Plaza ng Agusan del Sur, back-to-back Slasher champ Frank Berin ng Isabela, BNTV Cup’s Joey Sy, Bakbakan champ Engr. Sonny Mag­tibay ng Palawan, Ormoc Gold breeder Bernie Tacoy, Boy Marzo ng La Union, Baham Mitra ng Palawan, Red Bull Gamefarm’s Carlos Tumpalan, Bicolano Teng Rañola, Cong at iba pa.

Ang susubok naman sa tibay ng mga Thunderbird national endorsers ay ang mga Regional champions na sina Don Eikel Ladores, Johnro Galicia, Vasquez Miguel, Dennis Sta. Maria, Nephtali Macarig, Melvin Monsirat, Harvey Philip Isaga, Lawrence Lu at iba pa. Dahil sa 50 kumpirmadong kalahok, ang 2019 Thun­derbird 6-Cock All Star Derby ay magpaparada ng 150 kapana-panabik na sultada. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page