Kahit nali-link na, Janine… RAYVER AT JULIE ANNE, TULOY LANG!
- BULGAR

- May 11, 2019
- 1 min read

WALANG dapat ikabahala at ipag-alala ang mga fans nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz kung madalas na nagkakapareha o nagkakasama ang aktor at ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose sa mga shows.
Trabaho lang naman ang lahat at in demand si Rayver dahil magaling siyang sumayaw. Nagagamit niya ang talent na ito sa mga concerts, shows at sa Musikalye ng Studio 7.
Sa araw na ito, magkakasama sina Julie Anne at Rayver sa concert na Kapusong Pinoy, Musikalye ng Studio 7 sa Brooklyn, New York na gagawin sa Kings Theater.
Kasama nilang magpe-perform sina Alden Richards, Christian Bautista, Kyline Alcantara, Betong Sumaya at Golden Cañedo.





Comments