top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Gay comedian, wais daw… HIRIT NI ANTON: VICE, 'DI MALOLOKO NI ION

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 11, 2019
  • 2 min read

SA presscon ng Shine XXII AD ni Anton Diva kahapon na ginanap sa Salu Resto na pag-aari ni Harlene Bautista ay kinumpirma ng singer at pinakasikat na impersonator ni Regine Velasquez ang tungkol sa relasyon ng stand-up comedian at kaibigang si Vice Ganda sa Kuya Escort ng It’s Showtime na si Ion Perez.

Kuwento ni Anton sa press ay na-meet lang niya nang personal si Kuya Escort nu’ng nakaraang Valentine’s Day concert nina Vice at Regine V. sa Smart Araneta Coliseum. Ipinakilala raw sa kanya ni Vice si Ion sa backstage.

Wala mang pormal na pag-amin sa kanya ang kaibigan, naririnig daw ni Anton ang tungkol sa espesyal na relasyon ng dalawa at ‘di na rin naman ito lihim sa lahat, lalo na sa malalapit nilang kaibigan.

Sabi pa ni Anton, may nagkumpirma lang sa kanya tungkol sa relasyon ng dalawa at alam din ng mga close friends nila ni Vice na masaya ang love life nito ngayon.

Para kay Anton ay deserve ni Vice na magka­roon na ng relasyon na puwede nitong ipagmalaki sa lahat na wala itong itinatago. Kampante rin si Anton na matalinong tao si Vice at hindi ito mag-i-invest ng sobra-sobrang emosyon at panahon kung ramdam nitong hindi naman karapat-dapat si Ion para sa kanya.

Sa tanong kung sa pa­la­­gay ba niya ay puwe­deng mauwi sa kasalan ang lahat, isang “sana” lang ang naisagot ni Anton.

Nagpapasalamat din si Anton kina Vice at Regine dahil libre nila itong nakuha para mag-guest sa Shine concert niya na gaganapin sa June 15 sa Cuneta Astrodome mula sa production ng TOES (Teri Onor Entertainment and Services) ni Teri Onor.

Ikinatutuwa naman ni Anton na marami sa malalaking artista ang handang sumuporta at tumulong kapag may mga tulad niya na gustong subukan na ring magkaroon ng sariling concert sa malakihang venue tulad nga ng Cuneta Astrodome.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page