top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Cargo ship ng NoKor, kinumpiska ng U.S.

  • Jersey Sanchez
  • May 11, 2019
  • 1 min read

KINUMPISKA ng United States ang barko ng North Korea na ginagamit sa pagbebenta ng coal dahil sa umano’y paglabag sa international sanctions.

Ayon sa Justice Department officials, papalapit umano sa territorial waters ng US ang Wise Honest Cargo Ship.

Ang naturang cargo ship ay isa sa pinakamalaki sa North Korea at ayon sa US, ginagamit ito upang iligal na magbenta ng coal at nagdadala umano ito ng heavy machinery sa Pyongyang.

Nagpasa ng resolusyon ang U.N. Security Council noong 2017 na nagbabawal sa North Korea na mag-export ng coal.

Ang anunsiyo ng US ay ilang oras lamang matapos muling magpalipad ng short-range missiles ang Pyongyang.

Ang pagpapalipad ng missiles ay ikalawa na ngayong linggo sa kalagitnaan ng ‘deadlock’ sa nagaganap na negosasyon sa US para sa denuclearization ng Korean Peninsula.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page