BF ng Pop Princess, 'di nagpapigil… MATTEO, KINUWESTIYON NG PARENTS NI SARAH SA PAGSU-SUNDALO


PATI pala ang mga magulang ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo ay kinuwestiyon ang pagsali ni Matteo Guidicelli bilang reservist sa Philippine Army.
Sa isang interview, inilahad ni Matteo ang tunay na dahilan ng pagsali niya sa Philippine Army.
Aniya, “Ang daming taong nagsasabi at nagtatanong sa ‘kin, ‘Bakit ka magri-reserve force? Bakit ka mag-a-army?’ Sabi ko, ‘Bakit hindi? Pinoy ako, ‘di ba?’ At sinabi ko sa sarili ko, ‘Bakit hindi ako magpo-focus sa isang bagay, sa isang bagay na ako talaga?’ Ibig sabihin, sa pagiging Pilipino ko.
“So, sabi ko, the best way is to join the Army. Ngayon, ‘yung girlfriend ko, ‘yung mga magulang ko, sabi nila, ‘Bakit ka sasali sa Army? Maggigiyera ka ba?’
“Ngayon, they understood ‘pag nasa reserve ka, or nasa Army ka, hindi naman ibig sabihin, maggigiyera ka. Marami kang mga puwedeng gawin — kapag may mga disasters tayo, mga natural calamities, may mga relief goods, may mga operations tayong iba. Hindi necessarily pupunta sa giyera kumbaga, ‘di ba?”
Dagdag nito, “These are things we can give back to our country that we love so dearly. Meron akong kapatid, 12 years old, palagi siyang nasa computer, palagi siyang nasa iPad, palaging naglalaro. Kaya, I think, ROTC and CAT for the younger batch is very, very important to instill discipline, nationalism, and patriotism to an individual, to look at this flag and to have tears in your eyes because you love this flag so much.”
Kuwento pa niya, “Growing up as a Filipino, nag-aral ako sa Amerika, maraming tao sa Amerika ang nagsasabi, ‘Uy, Pilipinas! Ano, may elevator ba ru’n? May bubong ba ru’n? May mga ganu’n ba ‘yun?’ Sabi ko, ‘Excuse me, we’re one of the best countries in the whole entire world.’”
Kung ang ibang kabataan dito sa atin ay gagawin ang lahat para makapag-migrate lang sa America o sa ibang bansa, heto si Matteo at ipinapakita ang kanyang pagmamahal sa sariling bayan.





Comments