Mga bumibiyahe pa para lang makaboto, ‘wag namang tagain sa pamasahe!


Dagsa na ang mga pasahero sa mga bus terminal para umuwi at bumoto sa kani-kanilang mga lalawigan.
Batay sa tala, mahigit 6,000 pasahero na ang bumiyahe kung saan mas mataas ito sa 4,000 na dating bilang.
Posible pa umanong tumaas ang bilang habang papalapit ang halalan.
Samantala, giit ng mga pasahero, ilang bus companies ang nanamantala sa pagdami ng mga pasahero at nagtaas ng pamasahe.
Dahil dito, humirit ang mga pasahero sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magdagdag ng mga bus upang hindi sila tagain sa pamasahe.
Kinumpirma naman ng ahensiya na magdaragdag sila ng mga bus upang ma-accommodate ang mga pasahero.
Hindi biro ang pagsisikap ng mga kababayan natin na umuwi sa probinsiya para lamang bumoto kaya sana, huwag itong samantalahin ng bus companies!





Comments