top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

KYUSI, MATIBAY; TAGUIG, WAGI ULI SA METRO LEAGUE

Alvin Olivar/MC
May 10, 2019
1 min read

BINIGO ng bisitang Quezon City ang home­team na Solid San Juan sa bisa ng 88-85 na panalo upang mapatibay pa ang kapit sa pamumuno sa North Division ng Metro League Reinfornced (se­cond) Conference sa San Juan Gym kamakailan.

Nakapagsalpak si Gun­ner Jefferson Comia ng dalawang pressure packed free throws sa nalalabing 12 segundo sa laro at tu­luyang iselyo ang deal para sa Junior Capitals nang sumablay ang Solid San Juan’s King Astrero sa pakay na tres nang tumu­nog ang buzzer.

Tumapos si Comia na may 13 puntos, 3 re­bounds, 2 assists at 2 steals para sa QC na umibayo sa 4-2 win-loss slate at manatiling nasa tuktok ng North Division ng M-Lea­gue na nasa ilalim ng MMDA, PBA at Barangay 143.

Sa unang laro, balik sa panalo ang Taguig Gene­rals ni head coach Bing Victoria makaraang talu­nin ang Pateros-Metro Asia, 108-70, sa isang tam­bakang laro sa 2nd confe­rence ng torneo.

Nakabasket si John Jeryl Espanola at John Carl Melegrito ng 16 at 14 pun­tos habang si Rod William Vasallo ay may 11 marka para sumuporta kay Co­mia na nagresulta sa ika­lawang diretsong panalo ng Kyusi sa kabila ng wa­lang iskor na si import Ibrahim Outtara sa nala­la­bing 12:14 minuto.

Sa kabilang banda, nagpatuloy ang Solid San Juan sa paghahabol nang lumagapak sa 2-4 ang kartada sa South Division.

Sa kabila ng 31 puntos ni Michael Canete at 20 puntos at 21 rebounds ni American import Ray­mond Miller ay nasayang din.

Dumagdag si Joshua Saret ng 10 puntos para sa San Juan pero dumanas ng matinding right ankle sprain at pagkaupo nito ay hindi na nagbalik sa laro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page