Kasama ng mga supporters ng pangulo… GRETCHEN HO, TODO-BANAT KAY P-DIGONG PERO NAKI-PARTY SA MALACA

Beth Gelena / BULGARY FILES

NASA hot seat ngayon ang sports host ng Kapamilya Network na si Gretchen Ho dahil kasama sa “matrix list” ang kanyang pangalan na inilabas ng Malacañang Palace na diumano’y naninira sa presidente.
Mismong si Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang naglabas nito kung saan makikita ang names ng mga personalidad na naninira diumano kay P-Digong upang lumakas ang kandidatura ng mga taga-oposisyon.
Itinanggi naman ito ng TV host na um-attend pa sa thanksgiving dinner ni PRRD na ginanap sa Palasyo a day before lumabas ang “matrix list”.
Tweet ni Gretchen, hindi niya kilala si “Bikoy” at maging si Rodel Jayme na sinasabing naninira sa pangulo.
“Regarding being included in the ‘matrix,’ I don’t even know who Bikoy is. I have never watched the videos nor shared them, and I have no idea who Rodel Jayme is.”
Una na kasing naibalita na kilalang kritiko si Ho ng pangulo kaya nu’ng nasa thanksgiving dinner daw siya na inihanda ni President Duterte at ng partner nitong si Honeylet Avanceña ay maraming netizens ang nagtatanong kung bakit nandu’n ang TV host.
Pagtatanggol ni Ho sa sarili sa pamamagitan ng social media, “We were invited to a ‘private dinner’ in Malacañang. Hindi po sinabi na for ‘supporters’ of the president. I was there to have conversation and decided it would help to know the other side of things.”
Dugtong pa ng TV host, “As a media practitioner, it is our duty and responsibility to hear both sides.”
Tama rin naman si Gretchen sa kanyang sinabi.





Comments