top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

ISA PA SA WARRIORS; BUCKS, UMUSAD NA

Writer: BULGAR
BULGAR
May 10, 2019
2 min read

NAKAPAGTARAK sina Draymond Green at Klay Thompson ng tig-3 puntos sa magkasunod na posesyon sa huling bahagi ng laro kahapon, upang makaalpas ang Golden State Warriors bagamat, injured si Kevin Durant at manaig sa Houston Rockets, 104-99, sa Game 5 ng Western Conference semifinals sa Oakland, California.

Gahibla ang naging panalo ng top-seeded Gol­den State sa best-of-seven series na ito kaya naman isang panalo na lang ang kailangan ng defending champion para makamit ang ikalimang diretsong biyahe tungo sa West finals.

Makukuha ng Warriors ang unang oportunidad na makaabanse sa Game 6 ng serye ngayong Biyernes ng gabi sa Houston. Kung may Game 7 pa, ito ay lalaruin sa Linggo sa Oakland.

Makaraang humabol ang Rockets sa 20 at lumamang sa third quarter habang si Durant ay nasa locker room sa huling 14 na minuto dahil sa tinamong pananakit ng hita, nagawa pa ring talunin ng Warriors ang 4th seeded na team. Isang tres puntos ni Eric Gordon ang nagpababa sa Rockets, 89-88 sa natiti­rang 4:49 na minuto, pero isang free throw ni James Har­den ang nagpaalagwa sa 91-89 sa nalalabing 3:39 minuto.

Pero nag-swak si Green ng 3-pointer at matapos ang turnover ng Houston, bu­momba si Thompson ng isang tres upang iangat ang Golden State sa 97-89 sa nalalabing 2:34 minuto. Dumikit pa ang Houston sa 3 puntos sa isang layup ni Harden sa nalalabing 18.6 segundo, bago nagpakawala ng isang interior hoop si Thompson sa 4.1 segundong natitira.

Samantala sa iba pang laban, ang team na may best record sa NBA regular season ay nagwagi rin sa karera upang maging una sa postseason conference finals nang tigpasin ng Milwaukee Bucks ang bisitang Boston Celtics sa isang series-clinching, 116-91 victory. Sumam­pa na ngayon ang top-seeded Bucks sa Eastern finals, kung saan sila may home-court advantage laban sa magwawagi sa iba pang Eastern semifinal game sa pagitan ng Toronto Raptors at Philadelphia 76ers.

Ang dalawa ay magha­ha­rap pa sa Game 6 sa Philadelphia kung saan ang second-seeded Raptors ang may hawak ng 3-2 series lead. “It’s amazing. It was a team effort,” ayon kay Bucks star Giannis Antetokounm­po, na umiskor ng 20 pun­tos. “We did not mess around with the game. We did our job. We defended. We moved the ball. That’s how we were able to close the game. “ (MC/ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page