Eroplano sumadsad sa runway, 17 nadale
Jersey Sanchez
May 10, 2019
1 min read
SUGATAN ang 17 katao matapos sumadsad sa runway ng paliparan ang eroplano sa Myanmar.
Sumadsad sa paliparan ang Bombardier Dash 8 Aircraft na may sakay na 29 pasahero at 4 crews.
Malakas ang hangin sa lugar nang maganap ang insidente sa Yangon International Airport.
Nabatid na bumibiyahe ng apat na beses kada linggo sa Yangon at Dhaka ang naturang eroplano.





Comments