top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Belmonte, suportado ng INC sa pagtakbo bilang mayor ng QC

  • Thea Janica Teh
  • May 10, 2019
  • 2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Ipinaalam na sa publiko ang susuportahan ng Iglesia Ni Cristo (INC) bilang mayor ng Quezon City ngayong halalan. Ito ay walang iba kundi si Joy Belmonte.

Lalo pang napanatili ni Belmonte ang kanyang pagiging no. 1 sa katatapos lang na survey kaya naman lubos na nagpapasalamat si Belmonte sa INC sa buong suportang ibinigay nito.

Noong Lunes ko lang nalaman ang magandang balita na susuportahan ng INC ang partido ko. Napakagandang balita nito hindi lang sa amin kundi pati na rin sa buong Quezon City dahil sa aming adhikain na bigyan ng magandang serbisyo ang lahat ng residente nito,” saad ni Belmonte.

Dagdag pa niya, “kaya nagpapasalamat ako kay kapatid na Eduardo V. Manalo at sa buong kapatiran ng Iglesia Ni Cristo sa buong-pusong suporta nila sa atin. Isa po itong malaking karangalan sapagkat ang pa­ngunahing templo at ang opisina ng INC ay nandito mismo sa Quezon City.

Nang tinanong siya kung bakit siya ang napiling su­portahan ng INC, ang tanging sagot lang ni Belmonte ay naniniwala si­yang kasama niya sa labang ito ang karamihan ng residente na kanyang pinamumunuan bilang vice-mayor sa loob ng tatlong term.

Sa katatapos lamang na survey na ginawa ng RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMDinc) noong May 4-8, 2019, mula sa 8,000 rehis­tra­dong botante ay nanguna si Bel­monte kina Rep. Vincent “Bing­bong” Crisolo­go at Ismael “Chuck” Ma­thay III. Halos 65% ang pagitan sa kalaban nitong si Crisologo na may 30% lamang na boto at 3% naman kay Mathay III.

Kami ay lubos na nagpapasalamat sa mga natatanggap naming suporta at iisa lamang ang kagustuhan at adbokasiya namin ng INC at ito ay mapaganda at mapaangat ang Quezon City,” ani Belmonte.

Ibinahagi rin ni Belmonte na kapag siya ang nanalo sa halalang ito ay sisiguraduhin niyang magagawa nito ang kanyang plataporma para sa pag-unlad ng kanyang pinamumunuang bayan. Kabilang na rito ang mga proyekto para sa mga mahihirap, ang pagpuksa sa korupsiyon at pagtuluy-tuloy sa pag-unlad ng lungsod tulad na lamang ng kanilang slogan na “Kasama Ka Sa Pag-unlad”.

Sinabi rin ni Belmonte na patunay lamang ang pagsuporta ng INC at ng iba pang residente na naniniwala sa kanyang adhikain kahit na may lumabas na black propaganda laban sa kanya.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page