top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Alam na this! HARLENE, UMAMING SIYA ANG NAGSAMPA NG ANNULMENT NILA NI ROMNICK

Writer: BULGAR
BULGAR
May 10, 2019
1 min read

HINDI na umiiwas sa entertainment press ang aktres/movie producer na si Harlene Bautista at super-tsika siya sa mga dumalong reporters para sa handog na birthday party/get-together nina Mayor Herbert at Hero Bautista.

As always, sinasamahan at binibigyan ni Harlene ng moral support ang kanyang mga kapatid kapag humaharap sa media.

Masaya rin kaming makita si Hero na maganda na ang aura at tuluyang nakabawi/naka-survive sa isang matin­ding pagsubok na kanyang pinagdaanan last year.

Buung-buo na ang kumpiyansa sa sarili ni Hero na muling tumakbo bilang konsehal ng 4th District ng Kyusi. Ka­sama siya sa tropa nina Mayor Joy Bel­monte, VM Gian Sotto, atbp..

Going back to Harlene, kaswal na niyang naikuwento sa ilang press people ang status ng relasyon nila ng ex-husband na si Romnick Sarmenta. Siya raw ang nag-file ng annulment at maayos niyang naipaliwanag sa kanilang mga anak ang ginawa nilang desis­yon ni Romnick.

Hindi rin niya inalisan ng kara­patan si Romnick na makasama ang kanilang mga anak.

For now, busy si Harlene sa pag-aasikaso sa Heaven’s Best Productions at marami siyang projects na naka-line-up for movies at TV. Nakapag-submit na rin siya ng letter of intent sa MMFF 2019.

Inaasikaso rin ni Harlene ang kanilang resto business, ang Salu na may branch na ngayon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page