13 patay sa suicide bombing
- Jersey Sanchez
- May 10, 2019
- 1 min read
POSIBLE pang tumaas ang bilang ng mga nasawi sa naganap na suicide bombing malapit sa siyudad ng Lahore.
Pinasabog ng hinihinalang suspek ang police patrol van sa isang checkpoint kung saan 13 katao kabilang ang limang pulis ang kumpirmadong nasawi habang 25 ang nasa kritikal na kondisyon.
Ayon kay Police Chief of the Punjab Province Arif Nawaz, isang suicide bomber ang nasa likod nito na mag-isang kumilos.
Samantala, kinondena ni Pakistani Prime Minister Imran Khan ang pag-atake at nag-utos sa security forces na gumawa ng hakbang upang mabigyan ng hustisya ang mga nadamay sa insidente.





Comments