Wanted na killer nasakote
Pabs Hernandez III
May 9, 2019
1 min read
ZAMBOANGA CITY — Isang wanted na killer ang dinakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Boalan sa lungsod na ito.
Ang suspek ay kinilalang si Uring Aliyakin Akil, nakatira sa Bgy. Menzi, Isabela City, Basilan.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Akil sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinahaharap nitong kasong murder sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban si Akil nang dakpin siya ng pulisya sa naturang barangay.





Comments