Sasakyan, inihinto sa gitna ng expressway para mag-CR… HAN JI SEONG, NASAGASAAN NG 2 KOTSE, PUMANAW

PUMANAW na ang aktres na si Han Ji Seong dahil sa isang car accident. Ayon sa report, nangyari ang aksidente last May 6 pero kahapon lang naiulat ang pangalan ng aktres.
The report stated that an actress in her 20s had passed away after being hit by two cars on the Incheon International Airport Expressway.
It was later revealed that the actress was Han Ji Seong.
“Actress Han Ji Seong has left our side after an unfortunate accident. She was a great actress full of passion for acting. She was an actress with a bright future, and it is unfortunate that she passed away so suddenly. Her family set up her mortuary with their hearts filled with deep sadness,” ang pahayag ng isang malapit sa namayapang aktres.
Lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na nag-hazard light daw ang aktres at inihinto ang kanyang kotse sa second lane (of the three-lane expressway) dahil kinailangan daw gumamit ng restroom ng asawa nito.
Nagkataon naman na may isang taxi sa third lane na paparating at nakita raw nito ang asawa ng aktres kaya iniwasan nito ang lalaki.
Dahil dito ay napunta ang taxi sa 2nd lane kung saan naman nasa labas ng kotse si Han Ji Seong. Nabangga nito ang aktres at tumilapon malapit sa first lane kung saan naman ay nasagasaan siya ng isang SUV.
Kasalukuyan na raw iniimbestigahan ng pulisya ang dalawang drivers at tinitingnan ang posibilidad na mabilis ang takbo ng taxi driver o ‘di kaya naman ay hindi raw nakatingin ang mga ito sa daan.
Nakatakda ring magsagawa ng otopsiya ang National Forensic Service para malaman kung ano ang eksaktong cause of death ni Han Ji Seong.
Aalamin din mula sa CCTV ng kotse ng mag-asawa kung bakit inihinto ng aktres ang kanilang sasakyan sa gitna ng daan at pagkatapos ay lumabas ng kotse.
Han Ji Seong made her debut as part of girl group B.Dolls in 2010 and later pursued a career as an actress. She appeared in SBS dramas Second to Last Love and Happy Sisters and film One Punch.





Comments