top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

DE LUNA, TOP 2 SA BOGIES CLASSIC TEXAS 10-BALL

Eddie M. Paez Jr.
May 9, 2019
2 min read

NAIPOSTE ni Jeffrey “The Bull” de Luna ang isang podium finish sa Bogies Billiards Classic 10-Ball sa Houston, Texas. Kumama­da siya ng mga panalo laban kina Omar Al Shaheen ng Kuwait, 9-3; Justin Espi­nosa, 9-2; Raymond Faraon, 9-6; Justin Bergman, 9-2; at Blaine Barcus, 9-2; bago siya kina­pos sa Taiwanese hot­shot Chang Jung-Lin; 8-9, para sa isang top 2 performance.

Sariwa si De Luna, binansagan ding Jeff Bata dahil sa pagiging magkatulad nila ng istilo sa paglalaro ni Efren Reyes, sa pagiging pangatlo sa malupit na 43rd US Open 9-Ball Championship sa Las Vegas, Nevada. Samantala, nananatiling 1-2 punch ng Philippine billiards sina Carlo “The Black Tiger” Biado at Johann “Bub­wit” Chua matapos silang mapabilang sa listahan ng elite cue artists na ipinala­bas kamakailan ng World Pool Billiard Association (WPA) pagkatapos ng malu­pit na back-to-back 9-ball tournaments sa Las Vegas kamakailan.

Tumibay ang paghawak ni Biado sa pangatlong pu­westo matapos mapaangat ang kanyang produksyon sa 18,512 puntos. Malaking tulong dito ang 3,000 puntos na nalikom niya sa pagiging segunda sa category 3 na WPA Players’ Championship. Nakakolekta rin siya ng 400 puntos sa 43rd US Open 9-Ball Championship. Dahil dito, natapyasan ang agwat (dating halos 3,000 puntos, ngayon ay 737 na lang) sa kanya ni WPA no. 2 Alexander Kazakis ng Greece.

Nakasampa na rin si two-time All Japan Billiards king Chua sa pang 20 baytang dahil sa naitalang 9,850 puntos. Nakasungkit siya ng 2,500 puntos mula sa WPA Players’ Championship dahil sa pagpasok sa podium ni Chua sa likod ng bridesmaid na si Biado sa prestihiyosong paligsahang umakit ng malulupit na cue artists mula sa iba’t-ibang parte ng mundo. Bukod dito, nakapagrekord din si Chua ng 850 puntos sa US 9-Ball Championship.

Nasa numero unong baitang pa rin ng elite circle si Joshua “The Killer” Filler ng Aleman matapos itong umalagwa taglay ang 23,562 puntos (4,800 puntos dito ay mula sa pagiging kampeon sa U.S. Open). Bukod kina Biado at Chua, apat na Taiwanese gems at isang pam­bato ng Japan ang iba pang kinatawan ng Asya sa top 20. Mayroon ding taga-USA na nasa listahan. Ang natiti­rang mga upuan ay inooku­pahan na ng mga taga-Euro­pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page