BEERMEN, NAKATABLA! ATENEO VS. UST SA FINAL
- BULGAR

- May 9, 2019
- 2 min read

NAITABLA ng defending champion San Miguel Beer ang serye sa 2-2 matapos kalusin ang Magnolia Hotshots, 114-98 kagabi sa Game 4 ng PBA Philippine Cup best-of-seven finals sa Araneta Coliseum.
Nangalabaw si five-time Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo ng 31 points at 14 rebounds upang tulungan ang Beermen na lasingin ang karibal na Hotshots.
Maagang nagparamdam ng lakas si 6-foot-10 Fajardo kaya naman abante ang San Miguel ng pitong puntos, 54-47 sa halftime.
Nanatili ang tikas ng Beermen sa third canto kaya lamang pa rin sila, 87-77 papasok ng 4th quarter.
Samantala, nakauna sa Game 1 ang Magnolia matapos silang akbayan nina Paul Lee, Barroca at center Ian Sangalang.
Samantala, namayani ang Ateneo de Manila University kontra Far Eastern University, 25-20, 21-25, 25-23, 25-14,sa kanilang rubbermatch kahapon para sa huling finals berth ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre in San Juan.
Dahil sa panalo, naitakda ng Lady Eagles ang kanilang unang duwelo sa kampeonato kontra University of Sto. Tomas mula ng lumahok sila sa liga noong 1978.
Nakaganti rin ang Lady Eagles sa koponang tumalo sa kanila noong nakaraang taon sa Final Four round.
Tabla ang laro sa 1- set all, nakuha ng Ateneo ang kalamangan matapos manaig sa dikdikang third frame at dun na nakuha ng Lady Eagles ang momentum tungo sa dominanteng panalo sa fourth frame.
Buhat sa 14-4 na kalamangan, nahabol pa ng Lady Tams ang Lady Eagles sa fourth set, 11-16.
Ngunit tinapos ng Ateneo ang set sa pamamagitan ng 9-3 run na tinampukan ng game clinching kill mula kay Kat Tolentino para ganap na maangkin ang huling tiket ng finals.
Pinangunahan ni Tolentino ang nasabing panalo sa ipinoste nitong 19 puntos mula sa 17 hits at 2 blocks.
Ito ang ikapitong finals appearance ng Ateneo sa nakalipas na walong taon at una para kay Almadro bilang coach ng women’s team ng Ateneo. (VA/ATD)





Comments