Tulak dedbol sa buy-bust
Pabs Hernandez III
May 8, 2019
1 min read
QUEZON—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Marketview, Lucena City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Michael Antonio, nakatira sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa buy-bust operation si Antonio, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang mga tauhan ng pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments