Private jet bumagsak, 14 patay
- Jersey Sanchez
- May 8, 2019
- 1 min read
NATAGPUAN na ang mga bahagi ng private plane na nawala sa ruta nito galing sa Las Vegas patungong Monterrey sa Northern Mexico.
Batay sa ulat, patay ang 14 sakay ng eroplano na kinabibilangan ng 11 pasahero at 3 crews.
Natagpuan ang debris ng eroplano sa layong 129 kilometro northwest ng City of Monclova at malapit sa border ng Coahuila.
Dahil bulubundukin ang lugar, hindi pa ito nararating ng mga opisyal.
Ayon sa online flight tracking service na FlightAware, ang private plane ay ginawa ng Bombardier, Inc. ng Canada.
Una nang iniulat na nawawala ang small twin-engine noong Linggo, alas-5:00 ng hapon (local time).




Comments