top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nagpakatotoo na! BARBIE, GUSTONG PATAYIN ANG MGA EX-BF NA SINA RYLE, PAUL AT JM

Writer: BULGAR
BULGAR
May 8, 2019
2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NAGING emosyonal ang aktres na si Barbie Imperial nang mag-guest sa late-night talk show ni Boy Abunda na Tonight with Boy Abunda.

Matatandaang na-link ang young actress kay JM de Guzman, na naging kapareha niya sa Precious Hearts Romances series na Araw Gabi. Sa TWBA, walang takot na sinagot ni Barbie ang mga tanong sa kanya ng King of Talk. Isa na rito ay ang pag-amin niya na patungkol sa dati niyang ka-love team ang post niyang: “Once a liar, always a liar.”

Ang siste kasi, matapos ang latest interview ni JM sa TWBA ay eksaktong nag-tweet si Barbie ng: “Once a liar, always a liar,” sa kanyang Twitter account.

Nilinaw ni Barbie na wa­lang kinalaman ang kanilang career sa paghihiwalay ni­lang dalawa. Hindi na ibi­nigay ang totoong rason ng paghihiwalay nila dahil aniya, “Alam ko na kung paano siya i-bash ngayon ng mga fans namin, mga haters na­min. Para sa akin, may pi­nag­samahan naman ka­mi nu’ng tao, kaya ko na­man na sa akin na lang po.”

Ayon kay Barbie, totoo ang sinabi ni JM na hindi siya nito pinaasa.

Totoo rin daw na “pi­nur­sue” siya ng aktor pero pagkaklaro ni Barbie, “Ma­ra­mi kasi ‘yun, Tito Boy, eh. Puwedeng pinursue ka niya na seryoso talaga siya, puwedeng pinursue ka rin niya na may iba pala. Puwedeng pinursue ka rin niya na parang gusto ka lang niya uling saktan.”

Hindi tinukoy ni Barbie kung ano rito ang pag-pursue na ginawa sa kanya ni JM pero ayon sa dalaga, “Basta pinur­sue naman niya ako, ‘yun na ‘yun.”

Diretsahang inamin din ni Barbie na nasaktan siya ni JM at napikon din siya nang sabihin ng aktor na halos isang buwan pa lang ang relasyon nilang dalawa.

Aniya, “Du’n lang din po ako napi­kon. Kasi para sa akin, lagpas na siya ng isang buwan pero sa kanya pala, mag-iisang buwan pa lang.”

Kuwento ng aktres, “Kaka-break ko lang din po nu’n, eh, kay Paul (Salas). Parang masyadong mabilis. July nu’ng nag-break kami ni Paul, tapos si JM, lagi talaga siyang nandu’n para rin sa akin, eh. Pero sinabi naman po namin dati na parang hindi pa siya okay din.”

Paliwanag pa ni Barbie, “Dalawang tao na wasak. Itina-try namin pareho na ayusin ‘yung isa’t isa, buoin ang isa’t isa, pero hindi pala puwede ‘yun.”

Ayon kay Barbie, hindi pa siya han­dang maging kaibigan ngayon si JM.

Aniya, “Ako, hindi ko po talaga kaya, eh. Pero hindi ko po tutuldukan du’n kasi hin­di ko pa naman po alam ang mangyayari sa mga susu­nod na araw. Pero sa ngayon po talaga, hindi po talaga.”

Ganunpaman, thankful pa rin daw ang aktres kay JM dahil kung hindi dahil sa aktor, hindi siya magiging ganap na leading lady.

Samantala, sa segment na Kiss, Kill, Marry, sinabi ni Barbie na iki-kill niya ang mga exes niya na sina Ryle Tan, Paul Salas at JM de Guzman.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page