top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mas better kung susundin mo ‘to, mamsh! MGA PAGKAING PERFECT PARA SA MGA PREGGY, ALAMIN!

  • Donna Thea Topacio
  • May 8, 2019
  • 2 min read

No Problem

KARAMIHAN sa mga preggy mom­­my diyan, eh, kung anu-ano ang kina­kain dahil sa ka­ni­lang cravings, pero dapat magkaroon pa rin daw ng limi­tasyon nang sa ga­yun sa panganga­nak ay hindi mahi­rapan. Kaya narito ang mga pagkaing perfect na kainin ng mga buntis:

1. DAIRY PRO­DUCTS. Kapag buntis, kinakailangan kumon­sumo ng extra protein at calcium nang sa gayun ay ma-meet ang panga­ngailangan ng growing fetus. Halimbawa sa mga ito ay gatas, keso, yogurt at marami pang iba.

2. FRUITS AND VEGETABLES. Of course, dapat kumain ang mga buntis ng pru­tas at gulay nang sa ga­yun ay makakuha sila ng sustansiya mula rito na kinakailangan nila, lalo na at may dinadala si­lang sanggol sa sinapu­pu­nan.

3. SWEET PO­TATO. Ang kamote ay ang excellent source ng beta-cartotene na naka­tutulong sa growth at dif­ferentiation ng cells para sa gro­wing fetus.

4. LEGUMES. Ang legumes ay nakatu­tulong upang ma-reduce ang panganib sa pagka­karoon ng defects at disease ng sanggol.

5. SALMON. Dahil mayroong Omega-3 fatty acid ang salmon, mahalaga ito sa utak at mga mata ng sanggol.

6. EGGS. Ang itlog ay punumpuno ng pro­tina, gayundin, mayroon itong choline na essen­tial para sa brain health and development ng sanggol sa sinapupunan ng nanay.

7. FISH LIVER OIL. Ang single serving ng fish oil ay nakapag­po-provide ng Vitamins A at D na makabubuti para sa mga babaeng hin­di masyadong kuma­kain ng seafood.

8. BERRIES. Ang berries ay nagkokonta­mina ng tubig, carbs, Vi­tamin C, fiber, antioxi­dants at plant com­pounds na nakai-increase ng nutrient at water intake para sa mga buntis.

Kaya sa mga preggy diyan na kung anu-ano na lang ang kinakain, make sure na lilimitahan ninyo ito nang sa gayun ay hindi mag-suffer ang health ng inyong baby.

‘Ika nga, kumain kayo ng masasarap, pero ‘yung masusustansiya.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page