top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mag-utol, war pa naman… KRIS, PAPUNTA SA MITING DE AVANCE NI JUNJUN, NALIGAW, NAPUNTA KAY ABBY BINA

Writer: BULGAR
BULGAR
May 8, 2019
2 min read

Nitz Miralles / BIDA

MASIGLA si Kris Aquino nang umakyat sa stage at humarap sa mga taga-Makati City sa miting de avance ni mayoralty candidate Junjun Binay. Hindi halatang not feeling well that night si Kris at mababa ang BP na 80/60 lang dahil marami pa rin siyang kuwento.

Nabanggit nito na napakiusapan siya ng good friend niyang si Anne Binay na dumaan sa miting de avance ni Junjun at ng team nito, na ginawa naman ni Kris. Bawal lang sa kanya ang mag-endorso at hindi rin naman siya taga-Makati City, pero sapat na ang presence niya para sa mga constituents ni Junjun na malaman kung sino ang choice niya.

‘Kaaliw lang dahil parang naging show ni Kris ang miting de avance dahil may pa-Q&A siya kay Anne, kay Junjun, kay Senator Nancy Binay na nandu’n din at kay Dra. Elenita Binay na duma­ting din para sa anak.

Kasama ni Kris na dumating si Erik Santos na napakiusapan niyang kumanta ng ilang songs na nagustuhan ng mga tao at naki-sing-along pa sila.

May nakakatawang kuwento si Kris on her way to Junjun’s campaign. Naligaw ang driver nito at sa pa-miting de avance ni Abby Binay sila napunta. Ilang kanto lang kasi ang layo ng miting de avance ng magkalabang magkapatid, kaya naligaw ang driver ni Kris at kay Abby nga sila dinala ni Erik na nakasakay sa van ni Kris.

Sabi ni Kris, mababait ang tao ni Mayor Abby dahil itinuro sa kanila kung saan ang miting ni Junjun.

Natatawang kuwento ni Kris, naim­bitahang kumanta si Erik sa miting de avance ni Abby, na ‘di lang namin naita­nong kung pinagbigyan ni Erik.

Samantala, galing si Kris sa kampanya ni Sen. Bam Aquino sa San Pedro, Laguna at may rason siyang pumunta dahil birthday ng senador.

Nasa miting ni Sen. Bam si senato­riable Chel Diokno na isa sa mga ibo­bo­tong senador ni Kris.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page