top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kahulugan na mababa ang libido ni mister

Writer: BULGAR
BULGAR
May 8, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Jeane ng Jeane_Baghari@face-book.com

Dear Professor,

Madalas kong napana­naginipan na may babae ang asawa ko. Sa tuwing napananaginipan ko ‘yun ay sobrang sakit.

Totoong sakit ng dibdib ang naramdaman ko at umiiyak ako nang totoo. Si­guro dahil akala ko ay to­too ang lahat, ‘yun pala panaginip lang. Bakit kaya madalas kong napanana­ginipan na may babae ang mister ko?

Mabait naman siya at wala kaming proble­ma. Masaya ang buhay mag- asawa namin, kaya hindi ko maintindihan.

Sana, matulungan ninyo ako.

Salamat!

Naghihintay,

Jeane

Sa iyo Jeane,

Ang mga panaginip ni misis na may babae si mister ay nag-uugat sa sexlife ng mag-asawa.

Kapag sa tunay na buhay ay nawala o nabawasan ang sexual interest ng mister, malaki ang tsansa na si misis ay managinip na si mister ay may ibang babae.

Ito rin ay nangyayari kapag sa tunay na buhay, na­wala o nabawasan ang harot o lambing ni mister. Ang harot at lambing sa buhay ng mag-asawa ay kabilang din sa mga sangkap ng masayang sexlife.

Higit sa lahat, sa mga araw o panahon na ito ay na­pana­naginipan ni misis, siya ay may mataas na antas ng kan­yang sexlife. Kaya maki­kitang si mister na mababa ang libido at si misis na ma­taas ang level ng libido ay ma­sasabing may problema sa sexlife.

Ito ay dahil sa mga araw na ito ay hindi magkatugma ang kanilang biological sex clock. Paano at ano ang so­lusyon para rito?

Kahit mababa ang libido ng tao, babae man o lalaki puwede rin namang tumaas ito kahit pansamantala lang sa pamamagitan ng pagkain ng mga lamang-kati o karne ng baka, baboy, kambing, ka­labaw at iba pa. Ang karne ng manok ay hindi nakapag­papa­taas ng lebel ng libido.

Ang pagkain ng seafoods ay may ganunding bisa, pero ang mga isda ay hindi kabi­lang dito. Para sa pangkalaha­tang impormasyon, ang mga pagkaing ipinababawal kai­nin na nasusulat sa Aklat ng Leviticus o sa Bibliya ay ang mga pagkaing nagpapagana o nagpapataas ng sexual desires.

Mahirap paniwalaan ang nasabing impormasyon ka­hit pa ito ay nakasulat sa Sag­radong Aklat, pero puwede mong subukan para ikaw na mismo ang magsabi kung ito ay totoo o hindi.

Kung susubukan mong kumain, basahin mo muna ang isa pang nakasulat na sinabi mismo ni Lord Jesus na “Ang lahat ng pumapasok sa bibig ng tao ay puwede niyang kainin”. Sa Aklat ng mga Gawa ay mababasa letra-por-letra ang mga bawal kainin.

Alam mo, iha, ang isa pang mahirap paniwalaan ay ang katotohanang ang sex ay iniuugnay sa “laman” at ang pagkain ng “laman” ng mga hayop at ang sex sa malalim na katuruang pangrelihiyon ay iisa lang.

Kaya narinig natin noong Holy Week na bawal ang ma­kipag-sex sa panahon ng pag­­pa-fasting dahil ito ay ka­tumbas ng pagkain ng la­mang-kati. Ang salitang “kati”, iha, ay salitang Tagalog na nga­yon ay bihira na ang na­ka­i­intindi, lalo na sa mga siyudad.

Samantala, walang babae ang mister mo ayon sa iyong panaginip, pero mababa ang lebel ng kanyang libido.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page