Ka-level pa nina Regine, Vice at James… MOIRA, TALUNAN SA THE VOICE, JUDGE SA IDOL PHILS.


''PINI-FILTER naman namin. For me, ‘yung constructive criticisms, I take it in heart. Ang dami rin nilang ‘di alam in terms of you as an artist, you as a person. But at the end of the day, I have nothing but respect.
“Everyone is entitled to their own opinion. If that’s what you think, I can’t force you to like me, but I’m here,” ang naging pahayag ni Moira dela Torre nang tanungin namin sa puna ng ilang netizens na mas marami raw mahuhusay na baguhang singers ang mas karapat-dapat kesa sa kanya na maging isa sa mga judges ng Idol Philippines.
Katulad ni Moira ay naging paborito ring i-bash ang actor-singer na si James Reid na kasama nila nina Regine Velasquez at Vice Ganda sa Idol Philippines. Wala rin daw itong karapatan na maging hurado.
Depensa naman ni Moira kay James, sobra siyang nagagalingan sa talento nito at nagpapasalamat siya sa aktor at kina Vice and Regine dahil kahit baguhan lang siya sa industriya ay ‘di ipinaramdam ng tatlo na angat ang mga ito sa kanya.
Ipinagpapasalamat din ni Moira na sa sandaling panahon ay nagkaroon sila agad ng rapport ng mga kapwa judges niya. Kuwento niya, may iniinda siyang pisikal na sakit nu’ng audition ng Idol Philippines pero ginawang magaan at madali ito para sa kanya ng mga contestants, staff hanggang sa mga kapwa niya hurado.
Masaya rin si Moira dahil magiging bahagi siya ng katuparan ng pangarap ng isang tao sa pamamagitan ng Idol Philippines. Isa pala si Moira sa mga naging contestants na nakapasok sa battle rounds ng The Voice Philippines pero ‘di siya pinalad na manalo.
Ayon nga sa singer, patunay siya na totoo ang second chance dahil kung ‘di man siya pinalad sa simula ay may ibang mas magandang plano naman pala sa kanya ang nasa Itaas.





Comments