top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Composer, galit na galit, todo-talak sa socmed… ERIK, SABLAY SA PAGKANTA NG THEME SONG NG MOVIE NINA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 8, 2019
  • 2 min read

NANGGAGALAITI sa galit ang musical director/scorer ng pelikulang Man and Wife na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Jodi Santamaria na si Von De Guzman dahil sa pagkadismaya kay Erik Santos nu’ng kantahin nito ang theme song ng nasabing pelikula.

Nakalagay sa kanyang social media account...

And that is why the composer has to be there when his song is recorded.

“First note pa lang, mali na. Nag-imbento ng melody. Mali pa ang interpretation.

“It’s either hindi narinig ng record producer ‘yun or wala siyang pakialam. Eh, rinaket n’yo lang, eh.”

Sinundan pa niya ito ng, “Hindi matatapatan ng sino man ang malasakit ng kompositor para sa musika niya.”

May hashtags na #anghuhusayniyoeh #movie­the­me­­songrecording (with angry emoji) ang naturang post.

Ang daming reaction ng thread na ‘yun pointing to the right process of serving a movie theme song.

Nalamang nagmadali raw ang producer ng kanta, kasi kailangan daw ng song scoring sa cinema at online trailers kaya ipina-rush kay Erik Santos ang naturang theme song.

Ang comment ay nag-imbento raw ng sariling tono si Erik na hindi nagustuhan ng composer.

Malay ba natin, marahil ay nagmagandang-loob lang din si Erik para kantahin ang theme song — at baka ‘yun talaga ang instructions ng vocal coach at producer nang mag-record siya.

Ang sabi naman ni Direk Laurice Guillen, she wanted to re-record the song para nagso-soar ang kanta na ‘pag inilapat na sa pelikula ay lalo pang aangat ang mga eksena.

Ang siste ay nasa Amerika pa noon si Erik at bumalik lang para sa A.S.A.P. nitong May 5. He really couldn’t have revised what he did, because of schedule considerations at palabas na ang pelikula ngayong Wednesday (May 8). Kailangang ipa-approve sa MTRCB ang final copy ahead of time.

So, move on na... next course of action.

Production had to take another singer in the person of Dulce’s son, David Ezra.

Mukhang masaya naman ang reaksiyon ng mga taga-produksiyon dito kaya napa-post pa ang Asia’s Diva na si Dulce ng “I’m sooooo proud of you anak, David Ezra. I had to pause it muna on first stanza kasi unang linya pa lang hagulgol na ako anobayan!!!!! Thank you Sir Von De Guzman. Thank you Direk Laurice Guillen.”

Sana lang, makatulong itong usaping theme song sa kahihinatnan ng Man and Wife sa ta­kilya this Wednesday. Harinawa talaga!

Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page