top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

TITINGNAN NI LEE KUNG ANO ANG MAGAGAWA NG HOTSHOTS

Writer: BULGAR
BULGAR
May 7, 2019
1 min read

TATLONG beses nang nagkampeon sa PBA Philippine Cup si Magnolia Hotshots player Paul Lee pero hindi pa siya kuntento roon.

Sa walong taon ng pro-career ng ‘Angas ng Tondo’ at sa mga naturang kampeonato ay wala roon ang Pro-Filipino Trophy.

Sa pagsisimula ng Hotshots ng kanilang best-of-seven titular series kontra sa defending Champion San Miguel Beermen ‘kumakatok sa buwan’ si Lee dahil ito na ang ta­mang panahon na pinakahihintay niya. Pero hindi ito madali.

“May chance ako to win the Philippine Cup pero ang ma­hirap lang, kalaban ulit namin ang San Miguel,” saad ni Lee sa pre-final presscon.

“Ibibigay lang namin iyong 100 per­cent every game at kung anuman ang maging result ay magiging happy na kami roon. Bibigyan lang namin sila ng magandang laban at kung sa dulo ay may ma­gandang chance kami ay iga-grab na namin,” saad ni Lee.

Unang nakasampa si Lee sa Philippine Cup finals noong 2013 at 2014 habang naglalaro sa Rain or Shine. Pero natalo ang E-Painters sa Talk ‘N Text KaTropa at San Mig Coffee.

Nagka-tsansa siya noong 2018 sa unang Finals sa Hotshots pero natalo sa SMB sa limang laro. Iyon ang ikaapat na straight Philippine Cup title ng SMB.

“We’ll see what happens, hopefully mag-paid off ang laban namin,” saad ni Lee sa PBA online. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page